Dalawang presinto sa Puerto Princesa Pilot Elementary School ang pinasok umano ng isang grupo.

Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, sapilitang kinuha ng mga ito ang official ballots at pinagpupunit.

Dalawa ang Naaresto at nakadetine na…mahaharap sila sa election offense

Dahil dyan, ang naging resolution aniya ng election board, ilista muna ang ng mga darating na botante.

Pagkatapos ng 3pm voting, ang mga hindi nagamit na balota ng neighboring precincts ang gagamitin.

Tinatayang Nasa 200 balota ang napunit ng mga nasabing kalalakihan na bagamat hindi armado ay nagdulot naman ng takot sa mga guro.

Intact naman ang ballot box na agad naisecure ng mga guro

Madelyn Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *