Dalawang pulis sa Batangas, binigyan ng pagkilala dahil sa agarang pagkakadakip sa mga magnanakaw sa isang paaralan sa San Pascual Batangas.

Binigyan ng pagkilala ang dalawang pulis sa batangas matapos na agad mahuli ang dalawang suspek sa pagnanakaw sa isang paaralan sa San Pascual, Batangas. 
Kinilala ang dalawang opisyal na sina Police Senior Master Sargeant Carmelo Arrevalo Caraig at si PMSg Leonardo Merle Ayala. 
Personal na ibinigay ni Batangas Police Provincial Office headed by Provincial Director PCOL REX ARVIN T MALIMBAN ang certificate of recognition sa dalawang pulis. 
Samantala, ang dalawa naman sa suspek na naaresto ng mga otoridad ay kinilala namang sina John Adrian Liwag, 21 years old, residente sa Brgy. Poblacion, Ibaan, Batangas and John Carlo Gabriel Geonzon, 19 years old, single, resident of Brgy. TalaIbon, Ibaan, Batangas.
Kaagad namang narekober din ng mga otoridad ang mga gamit sa paaralan na ninakaw ng mga suspek at sinampahan na ng kasong qualified theft ang mga naarestong magnanakaw.

Please follow and like us: