Dalawang suspek sa iligal na pagbebenta ng produktong petrolyo at iligal na droga, arestado sa La Union

Huli sa pinagsanib na operasyon ng NBI, PDEA, at PNP sa San Fernando City, La Union ang dalawang suspek sa iligal na droga at iligal na pagbebenta ng produktong petrolyo.

Kinilala ng NBI ang mga naarestong suspek na sina Ronaldo Mamaril alyas Nonong at Ricky Mamaril alyas Bobsie.

Ikinasa ng mga otoridad ang operasyon matapos na makatanggap ng intelligence report ukol sa pagkakasangkot ng dalawa sa illegal trade ng petroleum products at ipinagbabawal na gamot sa Barangay Poro, San Fernando City, La Union.

Courtesy: NBI

Matapos makakuha ng search warrants ay nagtungo ang mga operatiba ng NBI, PNP, at PDEA sa target area.

Nakumpiska ng PDEA agents ang mga iligal na droga at drug paraphernalia habang nasabat ng NBI ang anim na drums at apat na malaking plastic containers ng produktong petrolyo.

Courtesy: NBI

Nasa kustodiya ng PDEA ang mga suspek dahil sa pagkakadawit sa illegal drug trade.

Inihahanda na ng NBI ang mga isasampang reklamo laban sa mga suspek.

Moira Encina

Please follow and like us: