Iglesia Ni Cristo nagsagawa ng lingap sa mga katutubong Aeta sa Angeles City

Namahagi ang mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo ng goodwill bags, sa mga katutubong Aeta na naninirahan sa Brgy. Sapang Bato, Sitio target sa Angeles City.

Pinangunahan ito ng INC Evangelical Worker na si kapatid na Michael Gavilan, kasama ang iba pang miyembro ng INC, na ginanap sa Friendship, Angeles City.

Naglalaman ang goodwill bags ng 5 kilong bigas, mga delata at noodles.

Lubos naman ang pasasalamat ng mga residenteng nakatanggap ng lingap, sapagkat karamihan sa kanila ay apektado ang hanap-buhay dahil sa kasalukuyang kinakaharap na pandemya.

Samantala, upang masiguro ang seguridad at kaligtasan ng mga residenteng tatanggap, maging ng mga lumahok na miyembro ng Iglesia Ni Cristo, mahigpit na binantayan ang safety protocols tulad ng pagsusuot ng facemask, pagche-check ng temperatura at pag-oobserba ng social distancing.

Ulat ni Izzy Pineda

Please follow and like us: