Dangerous heat index sa 7 lugar

Muling nagbabala ang PAGASA na nasa pitong lugar sa bansa ang makararanas ng mapanganib na heat index ngayong araw.

Sa tala ng PAGASA, 43 degree celsius ang maaaring maramdamang init sa Catarman, Northern Samar.

Habang nasa 42 degree celsius ang maaaring maranasang init sa Dagupan city sa Pangasinan, Sangley point sa Cavite, Puerto Princesa city sa Palawan, Dumangas sa Iloilo, Central Bicol State University of Agriculture sa Pili, Camarines Sur at Zamboanga city, Zamboanga del Sur.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *