Dapat ang MARINA ang lumalapit at tumutulong sa mga mangingisda – Sen. Francis Tolentino

Pinaglalagay ni Senador Francis Tolentino ng Satelite Office sa Zambales ang Maritime Industry Authority o MARINA para asistihan ang mga mangingisda

Nadismaya si Tolentino na impormasyon na kinukumpiska ang huli ng mga mangingisda kapag nabigong makapagsumite ng hinihinging requirements

Nakipagdayalogo ang senador sa mga mangingisda kung saan inireklamo ng mga ito ang mahirap na proseso sa pag aaplay ng permit sa MARINA dahil kailangan pang pumunta sa Metro Manila

Ayon kay Tolentino nawawalan ng suplay ng isda at umaangkat pa sa ibang bansa dahil sa mahirap na proseso na pinagdadaanan ng mga mangingisda

Dapat ang MARINA aniya ang lumalapit at tumutulong sa mga mangingisda.

Hinimok ni Tolentino ang mga mangingisda na magsampa ng reklamo sa kaniyang komite sakaling makaranas ng panggigipit sa MARINA.

Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *