Dating CA Associate Justice Andres Reyes nanumpa na bilang bagong mahistrado ng SC

Nanumpa na sa pwesto ang bagong Mahistrado ng Supreme Court na si Associate Justice Andres Reyes na dating Presiding Justice ng Court of Appeals.

Si Reyes ay nanumpa kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa Supreme Court dignitaries lounge kaninang ala-1:00 ng hapon.

Kasama ni Reyes ang kanyang pamilya at nagkaroon ng maikling seremonya sa kanyang panunumpa bilang bagong Associate Justice.

Samantala, inanunsyo naman ng Judicial and Bar Council na kasunod ng pag-akyat ni Justice Andres Reyes sa Korte Suprema, bukas  na ang aplikasyon para sa posisyong binakante niya sa CA bilang Presiding Justice.

Kasabay nito, bukas din ang aplikasyon para sa siyamnaput siyam na mga posisyon bilang hukom sa Region 4.

 

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *