Dating Makati City Mayor Junjun Binay, babasahan na ng sakdal ng Sandiganbayan

Nakatakda nang basahan ng sakdal ng Sandiganbayan si dating Makati City Mayor Junjun Binay, kaugnay sa kasong  overpriced na Makati City Parking Building.

Ito’y matapos makitaan ng probable cause ng anti-graft court 3rd division ang graft at falsification cases nito.

Ang petsa ng arraignment ay sa May 18, 2017, 1:30 ng hapon.

Samantala, hindi na nag-isyu ang Sandiganbayan ng arrest warrant laban kay Binay at mga kapwa akusado nito.

Matatandaang naglagak na ang dating alkalde ng piyansa.

Nag-ugat ang kaso ni Binay sa umano’y maanomalyang pagpapatayo ng Makati City Parking building na nagkahalaga ng mahigit P2 Billion.

Ulat ni: Madelyn Villar- Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *