Dating PDEA Director Isidro Lapeña naupo na bilang bagong pinuno ng BOC

Pormal nang naupo si dating PDEA Director Isidro Lapeña bilang bagong pinuno ng Bureau of Customs kapalit ng nagbitiw na si Nicanor Faeldon.

Ang misyon ni Lapena sa ahensya ay alisin ang kultura ng kurapsyon sa Customs.

Sa simpleng turnover ceremony, ipinasa ni dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon ang kanyang posisyon kay Lapena para pangunahan ang Bureau of Customs.

Sinabi ni Lapena, malinaw ang marching orders ng Pangulong Duterte sa pagkatalaga sa kanya sa BOC.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *