Dating QC Mayor Herbert Bautista at City Administrator Aldrin Cuña hinatulang makulong ng Sandiganbayan

Courtesy: Sandiganbayan

Courtesy: Sandiganbayan
Sinentensiyahan ng Sandiganbayan 7TH Division si dating Quezon City Mayor Herbert Bautista, at City Administrator Aldrin Cuña na makulong dahil sa kasong katiwalain.
Kaugnay ito ng 32.107 million pesos na halaga ng IT procurement para sa online occupation permitting and tracking system, sa ilalim ng kanilang panunungkulan.
Sa desisyon ng mga mahistrado, guilty si Bautista at Cuña beyond reasonable doubt.
Hinatulan din sina Bautista at Cuña na makulong ng hanggang sampung taon ng Anti-Graft court.
Pinatawan din sila ng perpetuak disqualification, na humawak ng anumang posisyon sa gobyerno.
Matapos ang hatol, napaluha naman ang dating alkalde makaraang marinig ang desisyon ng mga mahistrado.
Tumanggi na rin siyang magbigay ng anumang pahayag matapos ang hatol.
Samantala, maghahain ng motion for reconsideration ang kampo ni Bautista at Cuña sa Sandiganbayan.
Vic Somintac