Dating Sen. Bong Revilla, pinayagan ng Sandiganbayan na makadalaw sa Ama

Inaprubahan ng Sandiganbayan First Division ang hiling ni dating Senador Ramon”Bong” Revilla Jr. na mabisita ang ama nito sa St. Lukes Medical Center sa Bonifacio Global City sa Taguig bukas.

Pero sa halip na pagbigyan ang anim na oras na hiling ni Revilla,  tatlong oras lamang ang ibinigay ng Korte para makasama nito ang amang si dating Senador Ramon Revilla Sr.

Batay sa resolusyon ng korte,  maaaring magtungo sa ospital ang batang Revilla mula alas sais ng umaga hanggang alas nuebe ng umagalamang.

Ang dating Senador din ang dapat na sumagot sa lahat ng gastos sa paglabas nito ng kulungan patungo ng ospital at pabalik ng Kampo Crame.

Ulat ni: Madelyn Villar – Moratillo

Please follow and like us: