Dating Senador Bong Revilla, muling pinayagan ng Sandiganbayan na magtungo sa kaniyang dentista

Muling pinayagan ng Sandiganbayan si dating Senador Bong Revilla Jr. na makalabas ng kampo krame upang makapunta sa dentista nito sa Makati city.

Sa kaniyang mosyon, sinabi ni Revilla na kailangan niyang sumailalim sa recommended routine dental check-up at restoration ng kaniyang mga sirang ngipin sa Gan Advanced Osseo-integration center sa The Residences, greenbelt center sa Agosto 25.

Marso pa lamang ay pinayagan rin ng anto-graft court si Revilla na mabisita ang dentista nito sa anim na magkakahiwalay na araw sa nasabing buwan at noong Abril din para naman sa kaniyang check-up at dental procedures kasama na ang Implant surgery.

Aniya, matapos nito ay inabisuhan siya ni Dr. Steve Mark Gan na bumalik sa Agosto 25 .

Nauna nang sinabi ni Revilla na hindi ito magdadalawang -isip na phintulutan ang kaniyang mosyon sa hinaharap, oras na maulit muli ang nasabing sirkumstansya.

Si Revilla ay nililitis sa kasong plunder at graft kaugnay ng pagkakasangkot nito sa Pork barrel scam.

 

Ulat ni: Madelyn Villar – Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *