Dating Senador Bongbong Marcos, sasabak rin sa presidential race

Ikinukunsidera na rin ni Dating Senador Bongbong Marcos na sumabak sa Presidential Elections sa Mayo.

Ayon sa kaniyang kapatid na si Senador Imee Marcos , inaalam na ni bongbong ang pulso ng publiko pero wala pa siyang pinal na pasya hinggil dito.

Pero kung siya raw ang tatanungin , sinabi ni Senador Imee na masyadong malaking challenge ang pagtakbo lalo’t maraming nag-aamibisyon na sumabak sa pampanguluhang halalan.

Bukas naman raw ito na kumandidatong Vice president at makipag-alyansa sa iba pang partido kabilang na kay Mayor Sara Duterte.

Pinag-aaralan na rin aniya nito ang iba pang opsyon kabilang na ang pagbabalik na lang sa Senado.

Meanne Corvera

Please follow and like us: