Dating Senador Jinggoy Estrada, pinayagan ng Sandiganbayan na makalabas ng kulungan para dumalo sa bday ni ERAP

Pinayagan na ng Sandiganbayan si dating Senador Jinggoy Estrada na makalabas ng PNP Custodial Center para makadalo sa birthday ng kaniyang ama na si dating Pangulo at Manila Mayor Joseph Estrada.

Batay sa desisyon ng 5th division ng anti graft court, maaaring lumabas si Estrada sa kaniyang detention cell mula alas singko ng hapon hanggang alas onse ng gabi sa April 19, 2017.

Kabilang sa mga inilatag na kundisyon ng korte ay tanging sa Manila hotel lang ito maaring pumunta.

Hindi ito maaring gumamit ng cellphone at hindi maaring magpa-interview sa media.

Kailangan ding akuin nito ang lahat ng gagastusin sa kaniyang biyahe pati na ang pwersa ng PNP na magbabantay sa kanya.

Please follow and like us: