Dating Zamboanga del Norte Rep. Romeo Jalosjos, kabilang sa mga aplikante para sa Presidential Pardon

Kabilang sa listahan ng mga aplikante para sa Presidential Pardon ang convicted child rapist at dating Zamboanga del Norte Congressman  Romeo Jalosjos.

Ito ay batay sa inilathalang listahan ng Board of Pardons and Parole o BPP.

Nakalaya siya noong March 2009 mula sa pagkakabilanggo sa New Bilibid Prisons.

Nabilanggo lamang siya ng 12 taon dahil  sa panghahalay sa isang batang babae matapos gawaran ni dating Pangulong Gloria Arroyo ng commutation.

Diniskwalipika si Jalosjos ng COMELEC sa pagtakbo sa pagka-alkalde sa Zamboanga City noong 2013 dahil sa kanyang rape conviction.

Ulat ni : Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *