Davao del Norte Cong. Floirendo tanggap ang pagkakatanggal sa kanya bilang miyembro ng CA
Walang problema kay Davao del Norte Cong. Antonio Floirendo ang pagkakatanggal sa kanya sa Commission on Appointments.
Kung sa palagay aniya ng House leadership ay hindi na siya kailangan sa CA ay tanggap naman niya ito dahil hindi naman siya naghahangad ng mataas na posisyon.
Mas prayoridad niya ang kanyang distrito dahil sa turo ng kanyang ama na alagaan ang mga taong tumulong para marating ang kanilang kinaroroonan ngayon.
Binigyang diin nito na utang niya ang kanyang posisyon sa mga tao sa ikalawang Distrito ng Davao del Norte.
Muli namang tiniyak ng mambabatas ang patuloy na suporta sa administrasyon ni Pang. Duterte na itinuturing niyang pamilya.
Ulat ni: Madelyn Villar – Moratillo
Please follow and like us: