Delegasyon ng Comelec, nakaranas ng Radio challenge sa China

Maituturing umanong pagpapalakas ng claim ng Pilipinas sa West Philippine Sea ang pagpaparami ng mga botante sa isla ng Pag-asa sa bayan ng Kalayaan sakop ng Palawan.

Kinumpirma ni Comelec Chairman George Garcia na sa kanilang biyahe kahapon patungo sa isla, nakatanggap sila ng Radio challenge mula sa China.

Kahapon umarangka na ang unang araw ng Voter’s Registration.

Para ipakitang kayang abutin ng Comelec ang kahit saang lugar sa bansa.

Pinangunahan ng ilang opisyal ng poll body sa pangunguna ni Garcia ang delegasyon.

Sa datos ng Comelec, sa unang araw ng Voter’s Registration, nasa higit 62 libo ang nagparehistro sa ibat ibang tanggapan nila sa buong bansa.

Madelyn Villar – Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *