Delegasyon ng Vietnam magtutungo sa Senado ; pagpapalakas ng ugnayan ng dalawang bansa nakatakdang talakayin

Bibisita ngayong araw sa Senado Vietnamese parliamentary delegation para  talakayin ang mga paraan para mapalakas ang strategic partnership sa pagitan ng Pilipinas at Vietnam.

Ang parliamentary visit ay pangungunahan ng President ng National Assembly of Vietnam na si Vuong Dinh Hue.

Nitong lunes, Nauna nang Nakipagpulong  si Senate President Juan Miguel Zubiri kay Vietnamese Ambassador Hoang Huy Chung.

Pinag usapan ng Dalawang lider kung paano pa palalakasin ang tourism at business opportunities ng dalawang bansa.

Ayon kay Zubiri, dapat pag-aralan ng Pilipinas ang mga programa ng Vietnam lalo na kung paano mabilis na napalago ang kanilang ekonomiya kabilang na ang kanilang mga foreign direct investment.

Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *