DEPED, nagpaalala sa mga paaralan tungkol sa mga pagkain dapat na ibenta sa kantina

Sitsirya, sweetened carbonated drinks at tetra pack juice, ilan lamang ito sa hindi dapat na ibenta  sa mga kantin ng paaralan at baunin ng mga mag aaral.

Ito ang nilinaw ng DEPED kaugnay ng pagbubukas ng klase para sa school year 2017-2018.

Ayon sa DEPED,  may guidelines na rin silang ipinalabas noon pang Marso taong kasalukuyan tungkol sa mga pagkain  na dapat ipagbili sa kantina ng mga paaralan.

Sa panig naman ng mga magulang na nagpapabaon sa mga anak, kapag nakita nila na may baon ang mga bata na kahalintulad ng nabanggit, kukunin nila ito at kanilang ipatatawag ang mga magulang.

Binigyang diin ng DEPED na ang uri ng pagkaing kinakain ng bata ay malaking factor sa performance ng mga ito sa paaralan.

Ulat ni: Anabelle Surara

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *