DEPED, nakahanda na sa Oplang Balik Eskwela 2017

Naglabas ang DEPED ng memorandum noong March 17 para sa paglulunsad ng kanilang 2017 Oplan Balik Eskwela.

Bukod dito, nakasaad din sa naturang memorandum na bubuo ang ahensya ng public assistance stations para sa school year 2017-2018.

Ayon kay DEPED Sec. Leonor Briones, magsisimula ang Oplan Balik Eskwela sa May 29 hanggang June 16 para matiyak na magiging maayos at payapa ang pagbubukas ng klase.

Ipinaliwanag din ng kalihim na layunin ng itatayo nilang public assistance stations na matugunan ang mga karaniwang problema na kinakaharap tuwing nagsisimula school year.

Layunin din ng kampanya ng DEPED na tiyakin na ang lahat ng mga estudyante ay maayos na makakapag-enroll at makakapasok sa mga paaralan sa unang araw pa lamang ng klase.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *