Dept. of Trade and Industry at Imus City Gov’t. magsasagawa ng Diskuwento Caravan sa Nov. 20, 2020

Magsasagawa ng Diskuwento Caravan ang Imus City Govt.  katuwang ang Dept. of Trade and Industry o DTI, sa biyernes, Nov. 20, 2020. 


Isasagawa ito sa Greengate Basketball court sa Brgy. Malagsang 2-A, mula alas 8 ng umaga hanggang alas 5 ng hapon.


Ang Diskuwento Caravan ay inisiyatibo ng DTI sa pakikipagtungan ng mga local manufacturers para makapagbigay ng mababang presyo o mas mababa pa sa Suggested Retail Price ng mga produkto para sa mga consumer lalo na ang mga naapektuhan ng kalamidad. 


Nagpapaalala naman ang mga opisyal ng City Govt. Office ng Imus Cavite sa publiko na magtutungo sa lugar ay huwag kalimutang sundin ang mga helath protocol na ipinatutupad ng lokal na pamahalaan gaya ng pagsusuot ng face shiels at face mask maging ang socil distancing para maging ligtas sa Covid 19.

Jet Hilario

Please follow and like us: