Bacoor City Gov’t muling nagsagawa ng Covid 19 Aggressive Community Testing

Muling nagsagawa ng Aggressive Community Testing for Covid 19 sa Bacoor City Cavite. 


Isinagawa ito sa Maliksi Elementary School katuwang ang mga opisyal ng City Health office, Bacoor Urban Poor, CICU, at PNP.

 
Isinailalim sa Covid 19 test ang nasa 500 mga residente kabilang na ang mga frontliners at kababayan nilang ini-relocate ng tahanan. 


Isinagawa ng city Govt. of bacoor ang Aggressive Community Testing para maagapan ang dumaraming bilang ng mga nagpopositibo sa Covid 19 at para na rin mai isolate agad ang mga pasiyenteng may sintomas ng naturang virus.

Jet Hilario

Mga residente sa Bacoor Cavite sumailalim sa Covid 19 Testing.
Please follow and like us: