Deputy Prime Minister ng Cambodia, namatay na sa edad 66

Namatay na si Deputy Prime Minister Sok An ng Cambodia sa edad na 66.

Sa pahayag ng tagapagsalita ng Cambodia Government na si Phay Siphan, pumanaw  si Sok An sa Beijing hospital  at ito ay nakatakdang ibiyahe papunta sa kanilang bansa.

Hindi naman sinabi ang dahilan ng pagkamatay  ng deputy Prime Minister at maraming kababayan nila ang nanghinayang sa pagkamatay nito.

Ayon kay Siphan, si Sok An ay may titulong Samdech Vibol Panha at naging  Minister din siya ng Council of Ministers at miyembro ng permanent committee ng Cambodian People’s Party.

 

 

 

 

Please follow and like us: