Desisyon ng DOT na tapusin ang kontrata, iginagalang ng Mccann

 download
courtesy of wikipedia.org

Iginagalang ng Mccann World Group ang pasya ng Department of Tourism na tuldukan na ang kontrata nito sa kanila.

Sa gitna ito ng kontrobersyal na video advertisement ng kagawaran na kahalintulad ng ginamit sa South Africa noong 2014.

Gayunman, wala pa silang natatanggap na pormal na pahayag mula sa kagawaran kaugnay dito.

Sinabi ng Mccann na pinag-aaralan pa nila kung paano lulutasin ang usapin.

Sa kabila nito, nagpasalamat ang Mccann sa DOT sa oportunidad na pagsilbihan ito, at sinusuportahan pa rin ng ad agency ang kagawaran sa mga hakbang nito sa hinaharap.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *