Dexter Carlos, isinama ng NBI sa mga iimbestigahan sa Bulacan masaker

Isinama na ng National Bureau of Investigation o NBI ang padre de pamilya ng pamilyang minasaker sa San Jose del Monte Bulacan  sa kanilang imbestigasyon.

Sinabi ng NBI na titingnan nila ang background ni Dexter Carlos na nawalan ng asawa, tatlong anak at biyenan sa  karumal dumal na krimen.

Samantala, nakasentro naman ngayon ang imbestigasyon ng pulisya at ng NBI sa door knob na  natagpuan malapit sa bangkay ng sampung taong gulang na si Donnie Carlos, isa sa mga biktima.

Batay sa report, nagmula ang door knob sa likurang pintuan  ng bahay kung saan pinaniniwalaang  dumaan ang  mga suspek.

Sinabi ni Sr. Supt. Romeo Caramat, Provincial Director ng Bulacan Police, na tinitignan nila sa imbestigasyon ang forcible entry ng mga suspek na hinihinalang lulong sa iligal na droga.

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *