DFA Consular office – NCR East, sarado mula Sept. 6 -10 matapos magpositibo sa Covid-19 ang 11 tauhan nito

Pansamantalang sinuspinde ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang operasyon ng Consular Office-NCR East na matatagpuan sa SM Megamall.

Sa advisory na ipinost ng DFA, sarado mula bukas, September 6 hanggang 10 ang tanggapan para sa disinfection.

Ito’y matapos magpositibo sa Covid-19 ang 11 empleyado ng tanggapan.

Ayon sa DFA, ang mga apektadong aplikante ay maaaring magtungo sa DFA Aseana office para sa kanilang schedule.

Makatatanggap din ang mga applicant ng email para sa alternatibong passport appointment time slot.

Please follow and like us: