67 stranded Filipino sa Cambodia, nakauwi na ng bansa sa pamamagitan ng special repatriation flight

Nasa kabuuang 67 distressed overseas Filipino ang nakauwi na ng Pilipinas mula Cambodia.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), kabilang sa mga umuwing Pinoy ay 12 menor de edad, 12 senior citizens at isang buntis.

Nakauwi ang mga Pinoy sa pamamagitan ng sweeper flight na sinakyan din ng mga umuwing Pinoy mula Laos at Myanmar.

Karamihan sa mga repatriated Filipino ay nawalan ng hanapbuhay dahil sa Pandemya.

Sa ngayon pumapalo na 1,037 distressed overseas Filipino ang natulungan ng gobyernong makauwi na ng bansa mula nang magka-Pandemya.

Please follow and like us: