DFA iginiit na walang legal na basehan ang bagong patakaran ng Tsina sa

Hindi kinikilala ng Pilipinas ang bagong regulasyon ng China Coast Guard (CCG) kung saan aarestuhin nang walang paglilitis ang mga dayuhan na manghihimasok sa mga border nito sa South China Sea.

Sinabi ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo na walang legal na batayan ang panuntunan ng CCG.

Ayon sa kalihim, hindi lang ang Pilipinas ang maapektuhan kundi ang buong mundo kung igiit ng Tsina ang bagong maritime policy.

Aminado ang DFA Chief na hindi maayos ang relasyon ng Pilipinas at Tsina dahil na rin sa mga pangyayari sa West Philippine Sea o South China Sea.

Desidido naman aniya ang DFA na makipagdayalogo sa Tsina pero isang malaking hamon ito sa ngayon.

Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *