DFA kinondena ang pagpugot sa ulo ng bihag ng ASG, tiniyak na tutugisin ng gobyerno ang mga bandido

Kinondena ng Department of Foreign Affairs ang ginawang pagpugot sa ulo ng German National na si Jurgen Gustav Kantner na bihag ng bandidong Abu Sayaff.

Ayon kay Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay, nagpaabot na ng pakikiramay ang Pilipinas sa Germany at pamilya ng Aleman.

Tiniyak naman ni Yasay na gumagawa na ng hakbang ang gobyerno para tugisin ang mga bandidong Abu Sayaff.

Kinumpirma rin ng kalihim na may direkta na silang ugnayan sa German government para sa ginagawang imbestigasyon sa kaso.

Ulat ni : Mean Corvera

 

Please follow and like us: