DFA, kinumpirma na sinuspinde ng Kuwait ang pag-iisyu ng bagong entry visas sa mga Pinoy

Ipinabatid na ng Kuwaiti Government sa Department of Foreign Affairs (DFA) na sinuspinde nito ang pag-iisyu ng bagong entry visas sa mga Pilipino papunta sa Kuwait.

Ayon sa DFA, nananatiling committed ang Pilipinas sa pagtalakay at pagresolba sa bilateral issues sa lahat ng mga bansa sa “amicable manner.”

Tiwala naman ang DFA na makakahanap ng satisfactory na solusyon sa isyu dahil sa “friendly relations” at matibay na people-to-people na ugnayan ng Kuwait at Pilipinas.

Kasama rin anila sa ikukonsidera sa paghanao ng solusyon ay ang pangangailangan para maprotektahan at magkaroon ng access sa hustisya ang mga Pinoy na nagtatrabaho sa Kuwait.

Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *