DFA pagpapaliwanagin na ng Senado sa isyu ng Benham Rise

Iimbestigahan na ng Senate Committee on Economic Affairs ang isyu sa Benham Rise.

Ayon kay Senador Sherwin Gatchalian, pagpapaliwanagin sa imbestigasyon ang mga opisyal ng Department of Foreign Affairs partikular na sa isyu ng paglalayag ng mga barko ng China.

Batay rin aniya ito sa panukalang batas na inihain ni Senador Sonny Angara na layong bumuo ng isang Benham Rise Development Authority.

Sinabi pa ni Gatchalian na kailangang mabigyang linaw ang usapin hinggil sa Benham Rise at makahanap ng executive legislative long term strategies para madepensahan ng Pilipinas ang karapatan sa naturang teritoryo.

Nauna nang uminit ang usapin ng Benham Rise matapos kumpirmahin ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na may namataang Chinese ship doon sa loob ng tatlong buwan noong 2016.

Ulat ni: Mean Corvera

Please follow and like us: