DFA Sec. Manalo, nag-courtesy call sa Indian VP

Nakaharap ni Foreign Affairs Enrique Manalo si Indian Vice President Jagdeep Dhankar bilang bahagi ng kaniyang official activities sa New Delhi.

Sa kaniyang courtesy call, inihayag ng kalihim sa Indian Vice President ang mga milestone ng ugnayan ng Pilipinas at India na sasapit sa ika-75 Anibersaryo sa 2024.

Binanggit din ni Sec. Manalo ang kahalagahan ng lalo pang pagpapabuti sa partnership ng dalawang bansa.

 Sinabi naman ni VP Dhankar na marami pang areas of cooperation ang maaaring paigtingin sa pagitan ng Pilipinas at India.

Ilan sa mga ito ay ang pharmaceuticals, digital economy,  agrikultura, depensa at  blue economy.

Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *