DFA, tiniyak na walang pilipinong naninirahan sa Houston, Texas ang nasaktan o nasawi sa paghagupit ng hurricane ‘Harvey’

Walang Pilipinong naninirahan sa Houston, Texas ang nasaktan o nasawi sa paghagupit ng hurricane ‘Harvey’ sa lugar.

Ito ang tiniyak ng Department of Foreign Affairs.

Batay ito sa natanggap na ulat ni DFA Spokesman Assistant Secretary Robespierre Bolivar mula kay Los Angeles Consul General Adelio Angelito Cruz at Houston honorary consul Ethel Mercado.

Kasabay nito, nagpaabot na rin ng pakikiramay si DFA Secretary Alan Peter Cayetano sa mga naulilang pamilya dulot ng bagyo at mga naapektuhang residente sa Houston kabilang na ang mga Pilipino.

Ayon kay Cayetano, patuloy nilang isasama sa panalangin ang Houston at mga residente nito.

Tiniyak din ng kalihim na nananatiling naka-alerto ang Consulate General at Honorary Consulate sa anumang update sa naturang lugar.

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *