DFA umaasa na magkaroon na agad ng diplomatic solution para mapayagan ang mga Pinoy sa Gaza na makadaan sa Rafah border

Hangad ng Department of Foreign Affairs (DFA) na magkaroon sa lalong madaling panahon ng solusyon upang payagan na ang foreign nationals na makadaan sa Rafah border crossing.

Ayon sa DFA, ito ay para makalusot na rin doon ang mga Pilipino sa Gaza papunta sa Egypt.

“DFA is hopeful for a solution to be reached soonest in order for the Rafah crossing to start receiving foreign nationals, so that our kababayans in Gaza will be allowed to cross into Egypt. From there, our teams will work on their repatriation to the Philippines.” pahayag ng DFA sa Rafah Border Crossing

Ang Rafah border ay kontrolado ng Egypt.

Mula naman sa Egypt ay aasikusahin ng pamahalaan ang repatriation o pagpapauwi sa mga Pinoy na naipit sa gulo sa Gaza.

Kabuuang 131 Pinoy ang nasa Gaza na accounted na lahat ng gobyerno.

Sa pinakahuling impormasyon na ibinigay ng DFA, 78 sa mga Pinoy ay nasa lugar malapit na sa Rafah border.

Ipinatupad ng DFA ang mandatory repatriation o Alert Level 4 sa Gaza dahil sa inaasahan na malawakang pag-atake ng Israeli military sa Northern Gaza.

Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *