Digital sketch ng isa sa mga suspek sa pamamaril kay Jumalon inilabas na ng PNP

Isang Special Investigation Task Force ang binuo na ng PNP Region 10 para matukoy ang mga suspek sa pagpaslang kay Juan Jumalon o mas kilala bilang si DJ Johnny Walker.

Sinabi ni PNP Chief General Benjamin Acorda na dalawang suspek ang kanilang pinaghahanap base sa kuha ng CCTV.

isa nga sa mga ito ay may computerized facial composite na.

Ang lalaki na nasa Sketch ang kasamahan ng gunman na siyang naiwan sa gate ng bahay ng biktima

Bandang 5:35 ng madaling araw November 5 nang pagbabarilin si Jumalon habang nagpoprograma sa kaniyang bahay sa Brgy. Don Bernardo A. Neri, sa Calamba, Misamis Occidental.

Nakuhanan pa sa live streaming ang pagdating ng suspek na agad pinaputukan ang biktima at kinuha ang suot nitong kuwintas bago tumakas.

sa ngayon dalawang anggulo ang sinisilip ng mga imbestigador, kabilang na ang posibleng kaugnayan sa trabaho ng biktima at ang personal na motibo.

Nakikipag-ugnayan na ang mga pulis sa pamilya ng biktima para makakuha ng mga karagdagang impormasyon.

Kasabay nito tiniyak ni General Acorda na tututukan nila ang kaso hanggang sa ito ay maresolba at mapanagot sa batas ang mga suspek.

Mar Gabriel

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *