DILG at BFP namahagi ng mga bagong fire truck sa ilang piling LGU beneficiaries

Pinangunahan ni Department of the Interior and Local Government  o DILG Secretary Benhur Abalos at Bureau of Fire Protection Chief, Fire Director Louie Puracan ang pamamahagi ng 35 mga fire truck sa ibat-ibang Local Government Units o LGU’s.

Ginawa ang distribution ng mga fire truck sa mismong General headquarters ng BFP sa Quezon city.

Sinabi ni Secretary Abalos na dahil sa kakulangan ng pondo ay umaapela siya sa mga Non Government Organizations o NGO’s na magdonate ng mga fire truck sa kanilang lugar para masunod ang ideal ratio na one fire truck for every 22,000 populations.

Inihayag naman ni BFP Director Puracan na target nilang mamahagi ng 100 units ng fire truck kada taon na popondohan ng National budget.

Pinasalamatan ni Abalos ang 34 thousand na mga opisyal at tauhan ng BFP sa kanilang dedikasyon sa tungkulin na magligtas ng buhay at ari-arian sa panahon ng sunog.

Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published.