DILG at Philippine Commission on Women, lumagda sa Joint Memorandum Circular para sa pagpapatupad ng Localization Guidelines on the Safe Spaces Act

Lumagda ang Philippine Commission on Women at DILG ukol sa Joint Memorandum Circular para sa pagpapatupad ng Localization Guidelines on the Safe Spaces Act.


Pinangunahan ito ni PCW Chairperson na si Ms. Sandy Montano at ni DILG Sec. Eduardo Año.


Sa ilalim ng Safe Spaces Act, dapat na mai-localized ng lahat ng LGU sa buong bansa ang pagpapatupad nito. 


Kailangang mai-akma ito ng mga Local Chief Executives sa sitwasyong kinakaharap ng isang komunidad para mai-address ang mga idudulog na concern at mga problema ukol sa sexual harrasment at violence against women hanggang sa barangay level.

 
Ayon kay PCW Chair Ms. Sandy Montano, napapanahon ang ganitong uri ng polisya na magsisilbing patnubay ng mga LGU sa ating bansa para pangalagaan ang kapakanan at karapatan ng mga kababaihan gayundin ang pagsusulong Gender Equality.


Samantala, pinuri naman at pinasalamatan ni DILG Sec. Edurado Año ang Philippine Commission on Women sa pangunguna ni Ms. Sandy Montano dahil sa mga maganda at napapanahong mga programa ng komisyon para itaguyod ang paglaban ukol sa violence against women at pangalagaan ang pagkakapantay-pantay ng lahat. 

Nagako naman ang PCW na patuloy silang bubuo ng mga programa at proyekto at isusulong ang adhikain ng pamahalaan para sa kabutihan ng lahat lalo na ng mga kababaihan.

Ulat ni Jet Hilario

Ceremonial Signing ang isinagawa ng Philippine Commission on Women at ng DILG ukol sa Joint Memorandum Circular para sa pagpapatupad ng Localization Guidelines on the Safe Spaces Act.
Please follow and like us: