DILG Sec. Mike Sueno, sinibak ni Pangulong Duterte

Tinanggal na sa puwesto si Department of Interior and Local Government Secretary Ismael Sueno matapos na mawalan ng tiwala at kumpiyansa  sa kanya si Pangulong Duterte.

Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto  Abella  na  ginawa ng Pangulo ang pagsibak kay Sueno sa naganap na cabinet meeting kagabi.

Si Sueno ay una nang inakusahan ng corruption  ng  kanyang tatlong undersecretaries na sina John Castriciones, Jesus Hinlo at Emily Padilla.

Inakusahan din si Sueno na nagpayaman habang nasa puwesrto.

Ang dating South Cotabato Governor ay inappoint ni Pangulong Duterte  sa DILG  noong 2016.

Please follow and like us: