Displina at Professionalism, dapat makita sa mga pulis para maibalik ang tiwala ng publiko- NCRPO Director Albayalde
Aminado si incoming Philippine National Police o PNP Chief Oscar Albayalde na marami pang dapat baguhin sa imahe ng pambansang pulisya.
Isa na aniya dito ay ang disiplina at pagiging propesyunal na dapat makita sa mga kagawad ng pulis upang maibalik ang tiwala at kumpiyansa ng taumbayan.
Sa panayam ng programang Eagle in Action sinabi ni Albayalde na sakaling mauupo na siya bilang pinuno ng Pambansang Pulisya, hindi magbabago ang displinang ipinakikita niya bilang NCRPO Director dahil ang kaniyang ipinatutupad ay nakasaad lamang sa rules and regulations ng PNP.
” We cannot discipline a society without a disciplined police force. Kailangan talaga natin ng displina, kailangang mag-professionalized ang ating hanay para yung mga tao maibalik ang tiwala at confidence”.