DOH hinikayat ang publiko na samantalahin ang huling araw ng Bayanihan Bakunahan part 3

Hinikayat ng Department of Health ang publiko na samantalahin ang huling araw ng Bayanihan Bakunahan part 3 ngayong araw Pebrero 18.

Ayon kay Health Usec Myrna Cabotaje, 5 milyon ang target sana nilang mabakunahan sa ilalim ng nasabing programa.

Pero hanggang noong Pebrero 16, nasa 2.6 milyon palang ang nabakunahan sa Bayanihan Bakunahan 3.

Kaya naman aminado si Cabotaje na baka hindi maabot ang 5 milyong target mabakunahan.

Pero sa kabila nito, umaasa ang opisyal na makukumbinsi parin ang ating mga kababayan na hindi pa bakunado na magpaturok na ng Primary vaccine o Booster dose.

Madz Moratillo

Please follow and like us: