Lacson- Sotto , makikipagdayalogo kay Baguio City Mayor Benjamin Magalong

Ang mga taga Baguio City naman ang liligawan ngayon ng tambalang nina Presidential aspirant Ping Lacson at katandem na si Senate president Vicente Sotto III.

Makikipagdayalogo sila sa mga may- ari ng mga micro small and medium enterprises at labor organization.

Kakausapin rin nila ang ilang grupo ng mga magsasaka para alamin ang kanilang hinaing laban sa hakbang ng gobyerno na pag aangkat ng mga agricultural products tuwing kinukulang ng suplay.

Makikipagdayalogo rin sina Lacson at Sotto kay Baguio city Mayor Benjamin Magalong at dadalo sa alumni homecoming bukas sa Philippine Military Academy.

Meanne Corvera

Please follow and like us: