DOH may ilang paalala kaugnay ng isinusulong na pilot testing ng limited face-to-face classes ng DepEd

May ilang paalala si Health Secretary Francisco Duque III kaugnay ng isinusulong ng Department of Education na pilot testing ng limited face-to-face classes.

Ayon kay Duque, kung pagbabatayan ang polisiya ng Pangulo mas nais nitong mabakunahan muna maging ang mga bata bago payagan ang face-to-face class.

Pero kung sakali, dapat matiyak aniya na masusunod ang mga pamantayan bilang pag-iingat sa Covid-19.

Dapat lang aniyang gawin ang limited face to face class sa mga lugar na nasa low risk o walang naitalang bagong kaso ng Covid-19 sa nakalipas na 28 na araw.

Sinabi pa ni Duque na dapat lahat ng guro na magkakaroon ng face-to-face class ay fully vaccinated na rin laban sa COVID 19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: