July 20, idineklarang regular holiday ng Malacañang

Idineklara ng Malacañang na regular holiday ang July 20, Martes bilang paggunita sa Eid’l Adha ng mga kababayan nating Muslim.

Ito ay sa ilalim ng Proclamation No. 1189 na nilagdaan ni Executive Secretary Salvador Medialdea.

Gayunman nakasaad din sa proklamasyon na anumang pagtitipon kaugnay nito ay dapat alinsunod sa mga ipinaiiral na community quarantine at social distancing measures.

Sa report ng National Commission on Muslim Filipinos, tinatayang nasa 10 porsyento ng populasyon ng bansa ay mga Muslim.

Please follow and like us: