DOH muling nakapagtala ng mahigit 2 libong bagong kaso ng COVID-19 sa bansa

Tumaas muli sa 2,646 ang naitalang bagong kaso ng COVID-19 ang Department of Health o DOH ngayong araw.

Sa kabuuan , umabot na sa 2 million, 809 thousand, 311 ang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sa bilang na ito , 29,138 ang aktibong kaso .

May 4,029 naman na naitalang bagong gumaling, kaya naman umabot na sa 2 million, 735 thousand, 508 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober mula sa COVID-19.

Siyamnaput siyam naman ang naiulat na nasawi ,kaya umabot na sa 44,665 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa virus.

Ayon sa DOH, walumput apat sa kaso na una nilang iniulat na nakarekober sa sakit ang nasawi pala matapos ang kanilang isinagawang final validation.

Madz Moratillo

Please follow and like us: