DOH muling nakapagtala ng mahigit 6,000 bagong kaso ng Covid-19 sa bansa

Umaabot na sa 55,482 ang aktibong kaso ng COVID 19 sa bansa.

Ito’y matapos makapagtala ang Department of Health ng 6,192 na bagong kaso ng COVID 19, habang 2,212 naitalang bagong gumaling.

May 177 naitalang bagong nasawi dahil sa virus, kayat umabot na sa 24,973 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID 19.

Sa ngayon ay 1,424,518 ang kabuuang naitalang kaso ng COVID-19 sa bansa habang 1,344,063 naman ang kabuuang bilang ng mga nakarekober na.

Madz Moratillo

Please follow and like us: