DOH, nakapagtala ng 12,067 na bagong kaso ng COVID 19 sa bansa

Umabot na sa 127,703 ang aktibong kaso ng COVID 19 sa bansa sa kasalukuyan.

Itoy matapos na makapagtala ang Department of Health ng record breaking na 12,067 bagong kaso ng COVID 19 sa bansa, habang 14,565 naitalang bagong gumaling.

May 303 namang naitalang bagong nasawi dahil sa virus, kaya umabot na sa 32,264 parin ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID 19.

Sa ngayon ay 1,869,691 ang kabuuang naitalang kaso ng COVID-19 sa bansa habang 1,709,724 naman ang kabuuang bilang ng mga nakarekober na.

Madz Moratillo

Please follow and like us: