DOH, nakapagtala ng 3,666 na bagong kaso ng COVID-19

Nakapagtala ang Department of Health ng 3,666 na bagong kaso ng COVID 19 sa bansa.

Sa ngayon, umabot na sa 1,367,894 ang kabuuang kaso ng COVID 19 sa bansa sa bilang na ito, 52,696 ang aktibong kaso.

May 6,810 na naitalang bagong gumaling mula sa COVID 19.

Sa ngayon, umabot na sa 1, 291, 389 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa bansa mula sa virus.

May 60 namang naitalang bagong nasawi dahil sa virus.

Sa ngayon, umabot na sa 23,809 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID 19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: