DOH nakapagtala ng 6,739 na bagong kaso ng COVID-19

Nakapagtala ang Department of Health ng 6,739 bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Dahil rito, pumalo na sa 1,138,187 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sa bilang na ito, 56,709 naman ang aktibong kaso.

May 8,952 naitalang bagong gumaling mula sa COVID-19.

Sa ngayon, umabot na sa 1,062,427 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa bansa mula sa virus.

May 93 namang naitalang bagong nasawi dahil sa virus.

Sa ngayon, umabot na sa 19,051 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: