DOH, nakapagtala ng halos 2,000 na kaso ng COVID- 19 nitong nakaraang linggo

Nakapagtala ng 11,995 kaso ng COVID- 19 sa bansa nitong nakaraang linggo.

Sa datos ng Department of Health, mula October 17 hanggang 23, nasa 1,714 ang average daily cases ng COVID- 19 na mas mababa ng 22% kaysa naitala mula October 10 hanggang 16.

May 4 namang bagong kaso ng severe at critical habang may nadagdag namang 272 na nasawi.

Pero ayon sa DOH sa 272 deaths na ito, 28 lang ang nasawi ngayong Oktubre, 3 nitong Setyembre, 3 noong Agosto, at 1 noong Enero ng 2022 habang ang iba ay sa ibang buwan ng 2021.

Madelyn Villar – Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *