DOH, nakapagtala ng karagdagang 5,676 kaso ng Covid-19

Nakapagtala ang Department of Health ng 5,676 karagdagang kaso ng COVID-19.

Samantala, mayroon namang naitalang 2,670 na gumaling at 162 na pumanaw.

Dahil dito pumalo na sa 1,496,328 ang kabuuang kaso ng Covid-19 sa bansa na may 48,480 aktibong kaso.

Habang ang kabuuang bilang ng mga gumaling ay pumalo na sa 1,421,372.

Naitala naman sa 26,476 ang bilang ng mga namatay sa bansa dahil sa Covid-19.

Please follow and like us: